Mabuting Kaibigan

 


Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa dami ng magagandang alaala at kaalaman na ibinahagi ni Rem sa akin simula pa noong magkakilala kami, Iyon ay isa mga priceless na regalo na natanggap ko.

Maraming Salamat kay Claire at Shine dahil binahagi nyo si Rem simula nung binubuo at sinubukan natin yung #CHPH at nagpatuloy yun bilang isang nalalapit na kaibigan at guru ko sa spiritual journey. Hanggang sa naging bahagi sya ng Plastic Bank PH at ilead yung Training and Formation para sa mga partner communities at operations team namin. Napakahalaga ang naging kontribusyon nya sa kasalukuyang estado ng Plastic Bank PH. From trainor, pagpintura natin ng pushcart, history tour guide, facilitator, mentor at marami pang ibang role ay handa syang tumulong sa team nung maliit pa lang kami.

Hindi ko makakalimutan yung lagi nag-eextra mile si Rem para sa mga taong mahalaga sa kanya. Naalala ko yung usapan namin sa mga magagandang spiritual books na pwede kong basahin pero hindi madaling hanapin. Pinag-uusapan pa lang namin habang nasa ibang bansa ako, Nagulat ako nung pagkadating ko sa Pinas nagmessage sya kasi nakahanap sya ng thrift store at nakausap na nya na ireserve. Napakyaw namin yung 8 books sa may thrift bookstore sa Guadalupe at asual naging kaibigan nya yung owner kasi nakipagkwentuhan pa sya habang papunta ako para bilhin yung mga libro. Yung unang libro din na binigay nya sakin talagang hinanap nya din.

Sa totoo lang, napakahirap maghanap ng sapat na salita para ilahad kung gano kalaki ang naging tulong at impluwensya nya sa akin at sa iba. Isa sya sa mga mahahalagang tao na naggabay sa akin at buong buhay ko yung papahalagahan at pasasalamatan. Labis ang aking paghanga at pasasalamat sa kanyang lubos na kabutihan, kasiyahan at kwentuhan, pakikipagkapwa tao, busilak na puso at isa sa mga pinaka-generous na taong kilala ko. Hindi ko man natapatan ang yung binigay nya sa akin pero gusto kong bumawi ngayon at tumulong ipagpatuloy ang kanyang legacy. Nabigla at Nalungkot ako na wala kana dito pero nawala ka man sa aming paningin, ngunit hindi sa aming puso. Paalam Kapatid <3

Comments

Popular Posts